Wednesday, August 3, 2011

Ako Man Ay Kulang

Ako Man Ay Kulang
(2011.08.03)
ala Lilian Smith
Ang paghahanap

sa sulok ng mga hula at katotohanan;
sa maselang katayuan ng bukas sa pangarap;
sa kung saan napaghahalo ng sining ang pantasya at makasanglibutang bagay;
sa sandaling naging kahapon ang pananalig sa karunungan ng bukas;
sa pagbaba sa kapangyarihan alang alang sa karamihan;
sa pagliglig sa luma't mapait na karanasan at pagyukod naman sa pagbabago;
sa tugon sa mga tanong na kailan man hindi masasagot;
at sa taimtim na pagyakap sa walang katukuyan;
pati na ang di-buong kaalaman natin sa Maykapal

ay ang laong laan ng bawat isa,
sa aking palagay.

-Stephen Tequila

Karma

Ang karma ay isang karanasan, karanasang magbubunga ng alaala, alaalang maglilikha ng haraya. Harayang magbubunga ng pagnananasa. At nas...