Thursday, November 12, 2015

ANG TINIG SA HATINGGABI

Sa aba ko, lamig sa pagal na isip!
Anong halaga ng matimtimang titig?
Kung mga daliring gitgit nagniniig
at nagsisi-aklas sa paghihinagpis.

Sukat na, maapuhap ang kodigong
ginawa sa kape’t hamog na nagyelo,
Upang magsibangon, ang ginuhit na multo
Sa bintanang hitik ng mga payaso.

Stephen Tequila
(20151112 Sa aking tahanan)

---
getting back on track post..

Karma

Ang karma ay isang karanasan, karanasang magbubunga ng alaala, alaalang maglilikha ng haraya. Harayang magbubunga ng pagnananasa. At nas...