Friday, June 29, 2012

Not in good mood

Hindi ko alam bakit ang dami daming kong iniisip sa tuwing mamumulat sa umaga, kahit bago ako matulog, ang dami daming naglalaro sa utak ko. Nakakapagod, nakakalito at nakakainis. Pero, kung susumahin ko lahat lahat ito... masasabi kong malungkot din. Ewan ko ba, nahahawa na rin ako sa mga taong kayang palakihin ang maliit na problema. Kasi kung tutuusin, madali lang naman ang dinadamdam ko.

Balak kong isulat lahat ng agam agam sa buhay ko kaya naisipan kong magbalik dito sa blog. Hehe! Sa madaling salita, magpapaka-emo muna, baka sakaling lumipas ang oras at boom! wala na akong naiisip- wala nang problema.

Naisip kong isa-isahin ang mga bagay na nagpapaikot at naglalaro sa utak ko ngayon! Kaya lang, unti-unting namang lumalabo ang utak ko, nagugulo at bigla na lang nahihiyang ilagay dito. Hays, parang ang lungkot ng buhay, dapat hindi ko masyado iniisip kung ano ang mangyayari bukas o sa hinaharap. Hindi ko naman ugali mag-isip at mag-alala sa kung anong meron bukas, ganun pa man, hindi na, e. Laging nag-aalala na lang ako sa kung ano ako sa hinaharap.

Ganito pala ang pakiramdam ng walang matakbuhan, walang mahingian ng tulong o walang masabihan ng nararamdaman.
----

Ganito pala magpakitang ika'y masaya at nakangiti
Ngunit sa iyong kalooban, may kirot at nagdadalamhati


Thursday, June 28, 2012

Sa palagay ko kelangan na nilang magbalik

Teban...laging kulang sa oras.
Lario... laging busy, student life, love life, family, financial!
Teka... puro laro!

---

Itong mga buwan na dumating, maraming nangyari sa buhay buhay. Sa ngayon, kasi, parang laging may kulang sa bawat araw na nagdaan. Na ang tanging takbuhan ko na lang upang maiwasan ang dinaramdam ay maglaro, maglaro, magtrabaho, kumain, maglaro, maglaro, maglaro... atbp.

Kaya para maiba naman, dito ko na ipagbubugtong ang nasa loob ng aking dibdib! hehehe!

Karma

Ang karma ay isang karanasan, karanasang magbubunga ng alaala, alaalang maglilikha ng haraya. Harayang magbubunga ng pagnananasa. At nas...