This is where I published all the things that happen to all the events I never imagine to happen... This is updated every week (I hope so!) but definitely edited by me every month... "Di ko alam kung ano topak ko bakit ko pinatulan ito."
Thursday, July 12, 2012
I need some vacation
Madaming tumatakbo sa isip ko.. lalo na kung may sitwasyon na gusto mong kausapin yung taong espesyal sa iyo pero walang paraan para makausap mo siya.. lalo na kung minsan gusto mong malaman ang sagot sa mga tanong na hindi mo alam papano aalisin sa utak mo kasi yung taong gusto mong makausap yung makakasagot lang.
Lungkot na lungkot ako ngayon, madali na akong maapektuhan ng mga pangyayari sa buhay ko. dati naman magaan lang kung aking harapin o tanggapin ang mga nangyayari sa araw araw. ngayon, parang ang bigat bigat dalhin kung may bagay na dumating sa akin sabihin man nating maliit o malaki.
Pagod na ako sa kakaisip at kakaalala ng mga araw na maaaring dumating sa buhay ko. gusto ko sana na magbakasyon sa malayong lugar. gusto ko sa lugar na walang nakakakilala sa akin, tumawa man ako o umiyak walang makikialam.
Para kasing wala na akong makikilalang makakaunawa sa mga kahinaan ko, sa mga pagkukulang ko at sa mga problema ko. Nakakasakit ng damdamin na ang taong inaasahan mong makakaunawa at magmamahal sa iyo, siya pa ang bibitaw at iiwas sa iyo. Mabuti sana kung hindi kami nagkasundo o nakapangakong magtutulungan at mag-aalalayan sa oras ng pagsubok. Nakakapanghinayang na maaaring isang araw, hindi na siya ang taong nakilala at nakasama mo kahapon.
Natatakot ako na, isang araw, nagsasawa na siya sa aking mga kahinaan at pagkukulang. Marahil, pabigat na lang akong maituturing sa kanya. Lalo na kung nasanay na lang akong sa kanya dumaing o magsabi ng mga problema. Natatakot ako na hindi na pala niya ibig na makasama ako sa hinaharap. Nakakalungkot kasi hanggang ngayon, hindi ko alam kung kailangan pa rin niya ako.
-----
Wednesday, July 11, 2012
Subscribe to:
Posts (Atom)
Karma
Ang karma ay isang karanasan, karanasang magbubunga ng alaala, alaalang maglilikha ng haraya. Harayang magbubunga ng pagnananasa. At nas...
-
today i was thinking about what to do for Valentine’s Day with my friends especially to my special someone. i was thinking how to make this ...
-
I dont know what to post here, I find it difficult for me to express what I feel or say my views in life nowadays. I guess, being an ordinar...
-
how do you like it?