Ang karma ay isang karanasan,
karanasang magbubunga ng alaala,
alaalang maglilikha ng haraya.
Harayang magbubunga ng pagnananasa.
At nasang maglilikha muli ng karma.
Halimbawa, kung bibili ka ng kape, yan ang karma.
Sa iyong alaala, malilikha ang panlasang
uudyok sa iyo upang sumubok ng iba.
Sa muli mong pagdaan sa kapihan,
Ibubulong sa sarili, ano ang titikman,
cappuccino o macchiato naman kaya?
At yan ang karma sa simula't simula.
Stephen Tequila, 20160419
(hango kay Deepak Chopra)
This is where I published all the things that happen to all the events I never imagine to happen... This is updated every week (I hope so!) but definitely edited by me every month... "Di ko alam kung ano topak ko bakit ko pinatulan ito."
Tuesday, April 19, 2016
Monday, April 11, 2016
IRONIC?
Isang kabalintunaan masasabi ang mga nagsisisigaw at mga mangangantiyaw kay BBM sa nakaraang #PilipinasDebates2016.
Hindi natin masisisi ang mga hinaing nila sa mga nangyaring paglabag sa karapatang pantao noon ngunit sa paraan na kanilang ginawa, tila nilalabag din nila ang karapatan ng isang indibiduwal na kanilang sinisigawan. Di ba't ang isang akusado ay may karapatan din na dapat ituring na walang-sala hanggang sa ito ay mapatunayan? Hindi ba't karapatan ng bawat isang akusado na magkaroon ng angkop na proseso ng batas? At kailan pa minamana ng isang anak ang mga kasong laban sa kanyang ama?
Teka, bakit nga pala sila nagsisisigaw ng 'Never Again'? Buhay na ba sila nung panahon ng Batas Militar? Edi, mga kuya at ate ko na pala sila. Hahaha!
Sa katapusan, sa kadahilanang anak siya ng Matandang Marcos o dahil anak siya ni 'Martial Law', kaya hindi nila siya mapusuan. Sana lamang hindi ito ang kanilang ang dahilan. Kasi ang babaw kung ito lamang.
Saturday, March 12, 2016
Abot-Tanaw
Hirap akong makatulog ngayon, hindi dahil meron akong sasalihang card tournament bukas at hindi rin dahil marami akong dapat tapusin at asikasuhin. Kung tutuusin, maaari naman ipagpaliban ang pagsali sa tournament bukas dahil hindi nakatuon doon ang isip ko ngayon. Hindi ko rin naman naiisip na tapusin ang lahat ng paperworks at coding projects na nasa harapan ko.
Sa palagay ko, kailangan natin minsan magkaroon ng oras para makapagmuni-muni ng walang inaalalang mga makamundo at/o personal na bagay.
Kaya lang, naiisip ko palagi sa tuwing mag-isang makatititig sa kisame ng aming bahay, walang palyang hindi ko maisip ang isang tagpo sa aking buhay.
Marahil, matuturing na isang panaginip itong isang tagpo sa aking buhay, dahil sa matinding lungkot na naranasan ko sa tuwing maaalala ko papano ito natatapos...
Napansin ko na ako ay nasa isang lumang toreng nakatanaw sa dalampasigan. At may barkong naglalayag sa di kalayuan. Sa hindi mapaliwanag na dahilan, sa bawat pag-akyat ko at pagtaas ng palapag sa lumang tore patuloy kong nakikita ang barkong naglalayag, lalong lumilinaw at lalong nabubuo ang mga detalye nito.
Sa tuwing humihinto ako sa pag-akyat, unti-unting nilulunok ng dagat ang barko hanggang sa watawat na lamang nito ang matira. Kaya bago maglaho ang barko, nagpapatuloy ako sa pag-akyat sa lumang tore, dumudungaw sa bawat bintana at tinatanaw ang barko sa bawat palapag. Minsan, lumiliban ako sa pagdungaw at walang hintong umaakyat, upang matagal ko masilayan ang barko kung sakaling maghabol ng aking hininga.
Kaya lamang katulad ng panaginip, may katapusan, mapuputol ang bawat tagpo, itutuloy sa muling pag-idlip, o kaya ay magsisimula muli.
Sa tuktok ng lumang tore, siguro, malayo na ang narating ng barko.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Karma
Ang karma ay isang karanasan, karanasang magbubunga ng alaala, alaalang maglilikha ng haraya. Harayang magbubunga ng pagnananasa. At nas...
-
Ang karma ay isang karanasan, karanasang magbubunga ng alaala, alaalang maglilikha ng haraya. Harayang magbubunga ng pagnananasa. At nas...
-
Isang kabalintunaan masasabi ang mga nagsisisigaw at mga mangangantiyaw kay BBM sa nakaraang # PilipinasDebates2016 . Hindi natin mas...
-
Sa aba ko, lamig sa pagal na isip! Anong halaga ng matimtimang titig? Kung mga daliring gitgit nagniniig at nagsisi-aklas sa paghihinagpi...