Saturday, March 12, 2016

Abot-Tanaw

Hirap akong makatulog ngayon, hindi dahil meron akong sasalihang card tournament bukas at hindi rin dahil marami akong dapat tapusin at asikasuhin. Kung tutuusin, maaari naman ipagpaliban ang pagsali sa tournament bukas dahil hindi nakatuon doon ang isip ko ngayon. Hindi ko rin naman naiisip na tapusin ang lahat ng paperworks at coding projects na nasa harapan ko.

Sa palagay ko, kailangan natin minsan magkaroon ng oras para makapagmuni-muni ng walang inaalalang mga makamundo at/o personal na bagay.

Kaya lang, naiisip ko palagi sa tuwing mag-isang makatititig sa kisame ng aming bahay, walang palyang hindi ko maisip ang isang tagpo sa aking buhay.

Marahil, matuturing na isang panaginip itong isang tagpo sa aking buhay, dahil sa matinding lungkot na naranasan ko sa tuwing maaalala ko papano ito natatapos...

Napansin ko na ako ay nasa isang lumang toreng nakatanaw sa dalampasigan. At may barkong naglalayag sa di kalayuan. Sa hindi mapaliwanag na dahilan, sa bawat pag-akyat ko at pagtaas ng palapag sa lumang tore patuloy kong nakikita ang barkong naglalayag, lalong lumilinaw at lalong nabubuo ang mga detalye nito. 

Sa tuwing humihinto ako sa pag-akyat, unti-unting nilulunok ng dagat ang barko hanggang sa watawat na lamang nito ang matira. Kaya bago maglaho ang barko, nagpapatuloy ako sa pag-akyat sa lumang tore, dumudungaw sa bawat bintana at tinatanaw ang barko sa bawat palapag. Minsan, lumiliban ako sa pagdungaw at walang hintong umaakyat, upang matagal ko masilayan ang barko kung sakaling maghabol ng aking hininga.

Kaya lamang katulad ng panaginip, may katapusan, mapuputol ang bawat tagpo, itutuloy sa muling pag-idlip, o kaya ay magsisimula muli.

Sa tuktok ng lumang tore, siguro, malayo na ang narating ng barko.

Karma

Ang karma ay isang karanasan, karanasang magbubunga ng alaala, alaalang maglilikha ng haraya. Harayang magbubunga ng pagnananasa. At nas...