Monday, January 7, 2013

Bakit ganun?

Ang totoo, pinili ko na naman baguhin ang maliit kong ambisyon para maging dapat sa kanya. Hindi naman iyon madali para sa akin, pero sinisikap ko naman na unti unti magawa ko. Hindi naman kasing bilis ng nagawa niya, pero hinihingi ko lang naman ay konting pang-unawa.

Ang kinatatakot ko baka dumating ang araw na sa sobrang tayog at taas ng narating niya, wala nang halaga ang mga mumunti kong pinagsikapan, na kahit papaano, nagtiyaga ako; na kahit papaano, sumubok ako. Pinilit kong abutin siya.

Hindi pa nga nang-yayari ang mga bagay na iyon, bakit naramdaman ko bigla na konting-konti na lang ang tiwala at pagtitiyaga nya sa akin. Na-realize ko, ang dali ko lang palang takutin at iwanan.

Bakit ganun? Parang walang halaga ang mga nakaraan namin.

No comments:

Post a Comment

Karma

Ang karma ay isang karanasan, karanasang magbubunga ng alaala, alaalang maglilikha ng haraya. Harayang magbubunga ng pagnananasa. At nas...